F*ck the police pala ha? Um, loko! 2 estudyante, himas rehas sa Cebu City matapos mag-dirty finger sa awtoridad noong Sinulog

Sa kalaboso nauwi ang dalawang estudyante sa Cebu City matapos silang kumuha ng litrato na naka-dirty finger habang may mga pulis sa likuran nila.

Sa kalaboso nauwi ang dalawang estudyante sa Cebu City matapos silang kumuha ng litrato na naka-dirty finger habang may mga pulis sa likuran nila.

Kuha noong Linggo ng gabi, Enero 21, ang naturang larawan sa Barangay San Roque. Ang mga pulis namang nasa likuran ng dalawang binatilyo ay mga nagbabantay upang masigurong ligtas ang mga kasiyahang ginaganap para sa Sinulog Festival.

Todo paliwanag naman ang dalawang estudyante, na inaresto ng mga pulis ng Waterfront Police Station.

Anila, hindi nila intensiyong isama ang mga pulis sa nasabing litrato, at para sa mga kaibigan nila diumano ang dirty finger dahil matagal mag-reply ang mga ito.

Sa kabila nito, sasampahan pa rin ng reklamo ang dalawang kabataan, ayon kay Lt. Col. Janette Rafter, na deputy director for operations ng Cebu City Police Office.

Aniya, sasampahan ang dalawa ng reklamong unjust vexation para magtanda sila at hindi na pamarisan ng iba.