FB page ng SMNI program ni Duterte, burado na!

Patuloy ang pagbura sa mga social media page ng SMNI, at ngayon ay konektado pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa binura ng Facebook.

Patuloy ang pagbura sa mga social media page ng SMNI, at ngayon ay konektado pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa binura ng Facebook.

Inanunsyo ng SMNI na tinanggal ng Meta ang ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ Facebook page.

Ang ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ ay isang programa ng SMNI kung saan dati lumalabas si Duterte kasama si pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa SMNI, hindi sila naabisuhan ng Facebook tungkol sa pagkakatanggal ng naturang page.

Naniniwala rin ang SMNI na may nagpapatahimik umano sa kanilang media network.

“We understand that this removal is yet another effort to silence our devotion to delivering truthful news. But we won’t be silenced. Our commitment to fight for press freedom and contribute to the growth of our nation remains unshakeable,” saad ng SMNI.

Matatandaan na sa YouTube ay binura rin ang kanilang channel noong 2023.