FB page ng Coast Guard nadale ng hacker

Kahit Mahal na Araw ay hindi sinanto ng mga hacker ang Facebook page ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kahit Mahal na Araw ay hindi sinanto ng mga hacker ang Facebook page ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ito’y matapos kumpirmahin ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo sa ABS-CBN News na na-hack ang kanilang opisyal na FB page nitong Biyernes.

Mapapansin na hanggang ngayong Sabado ng umaga ay panay ang pag-post ng page ng mga video clip mula sa ilang pelikula.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na anag PCG sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maimbestigahan kung paano nakapasok ang hacker.

Nitong Pebrero ay na-hack din ang FB page ng PCG, kung saan itinuturong may pakana ang isang telecom company na naka-base sa China.