Fans ng volleyball at SB19, nagsabong online!

Hindi nakaligtas si Alas Pilipinas ace spiker Sisi Rondina sa pag-atake ng mga SB19 fans sa social media.

Hindi nakaligtas si Alas Pilipinas ace spiker Sisi Rondina sa pag-atake ng mga SB19 fans sa social media.

Ito ay matapos sabihin ni Rondina na “Starbucks” lang ang alam niyang SB19 nang tinanong kung anong performance mula sa mga artist ang inaabangan ng mga volleyball player sa Independence celebration sa South Korea.

Nag-sorry naman ang volleyball sa fans ng SB19.

“Personally, Hindi ko talaga sila. I mean, Hindi ko alam ba. I’m really sorry… Kaya sa lahat po ng na-offend ko sorry po. Sorry po talaga. Inaatake na po ako ng mga SB19 fans. Sorry po, hindi ko po intensiyon ‘yon,” aniya.

Pinanggol naman ni SB19 member Stell Ajero sa X (dating twitter) sa mga nambabash kay Rondina, at sa nagkumpara ng mga achievements ng boy band sa volleyball player.

“I supported Sisi pero nag-top na ba sa iTunes si Sisi katulad ng aming Mahalima?” saad ng isang basher sa X.

“I personally don’t tolerate this kind of behavior. Stop this,” sagot naman ni Stell.

BASAHIN: