Family is love! Lola namalimos para sa graduation picture ng apo

Naantig ang mga puso ng mga netizen sa kwento ng isang lola na nag-viral ngayon sa social media.

Naantig ang mga puso ng mga netizen sa kwento ng isang lola na nag-viral ngayon sa social media.

Sa Facebook post ng netizen na si Bham Dellosa Trinidad, ibinahagi nito ang larawan ng isang lola na napadaan sa kanyang pwesto sa palengke.

Tsika ni Trinidad, lumapit sa kanya ang lola na nanlilimos ng piso, kaya naman inabutan niya ito ng limang piso.

Sinabi umano ng matanda na gagamitin niya ang malilikom na pera para sa nalalapit na graduation picture ng kanyang apo na nagkakahalagang P180.

Habang nagkukwento umano ang lola ay bigla itong napaiyak, kaya naman maging si Trinidad ay naluha na rin.

“Maya maya umiiyak na si lola. Binawi ko ang 5 piso na binigay ko at binigyan ko sya ng higit pa sa hinihingi niya at sinamahan ko na rin ng ulam para may mailuto sya pag uwi at may makain sila ng apo nya,” caption ni Trinidad.

“Habang umiiyak si lola. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Naawa ako sa kaniya at lahat gagawin niya para sa apo niyang magtatapos na. Grabe ang pagmamahal ng isang lola sa mga apo,” dagdag pa nito.

Magmula nang mag-viral ang naturang post ay bumuhos na ang tulong kay lola at para sa kanyang apo.

TINGNAN: