Fake news! Teves hindi nakalaya, DOJ nanggigil kay Topacio

Sinita ng Department of Justice (DOJ) ang pinalabas ni Atty. Ferdie Topacio na nakalaya na umano si ex-Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Timor Leste.

Sinita ng Department of Justice (DOJ) ang pinalabas ni Atty. Ferdie Topacio na nakalaya na umano si ex-Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Timor Leste.

Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, ang paglabas ni Teves sa piitan ay parte ng proseso ng kapulisan sa Timor Leste.

Klinaro nito na muling binalik sa kulungan si Teves at patuloy na pinoproseso ang extradition para mapabalik sa Pilipinas ang kongresista na suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Noel Degamo.

Hindi nagustuhan ng DOJ ang larawan na inilabas ni Topacio kung saan makikitang nasa labas ng kulungan si Teves.

Ayon sa DOJ, misleading ito at insulto sa Timor Leste at Pilipinas.

“The statements of Atty. Topacio are misleading, highly irresponsible and an insult to both countries,” giit ni Clavano.

“He ought to know that while he owes fealty to his client, he remains an officer of the court and must act accordingly to maintain its majesty and integrity,” saad pa.

Kumpiyansa naman ang DOJ na magiging matagumpay ang extradition proceedings kay Teves para harapin ang kasong murder sa pagkamatay ni Degamo.