Fake news daw? China, itinangging naninira ng WPS

Mariing pinabulaanan ng China ang ulat na uman’y sinisira nito ang marine environment sa karagatan ng South China Sea.

Mariing pinabulaanan ng China ang ulat na uman’y sinisira nito ang marine environment sa karagatan ng South China Sea.

Ayon sa Chinese Embassy sa Pilipinas, mali ang naturang ulat at sumusunod sila umano sa mga batas ng karagatan.

“China has always attached great importance to the protection of ecological environment of the Nansha Islands and Reefs and their adjacent waters, and carried out environmental protection and monitoring work in accordance with domestic and international laws,” ayon sa hindi pinangalanang tagapagsalita ng Chinese Embassy.

“It is hoped that relevant parties will respect the facts and not be misled by untruthful media tactics,” dagdag pa.

Ang pahayag ng embahada ay tugon sa pinakahuling report ng US think tank na Center for Strategic and International Studies na mula noong 2023, sangkot na umanong China sa pagkasira ng marine biodiversity at coral reefs sa rehiyon kasabay na ang pagkuha ng mga giant clam.

Kamakailan, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsumbong ang mga Pilipinong mangingisda sa kanila dahil gumagamit umano ng mga mangingisdang Chinese at Vietnamese ng cyanide sa Bajo de Masinloc.