Fake news! Barbie Imperial umalma sa balitang nabuntis ni Richard Gutierrez

Humingi ng tulong ang aktres na si Barbie Imperial sa kanyang fans na i-report ang kumakalat na fake news laban sa kanya.

Humingi ng tulong ang aktres na si Barbie Imperial sa kanyang fans na i-report ang kumakalat na fake news laban sa kanya.

Sa post sa Facebook page na ‘Showbizfinds’, isang ‘di kilalang entertainment page at fake news peddler, sinabi nito na umamin na raw si Barbie na buntis siya sa anak nila ng aktor na si Richard Gutierrez.

Matindi itong inalmahan ni Barbie.

“This page is posting lies and things that I never said. Please report,” sabi ng aktres sa kanyang Facebook page.

“Report Showbizfinds. Mga oragon patabang pls 🙏🏼,” hingi ng tulong ni Barbie.

Sinuportahan naman ito ng kanyang mga fans at kasalukuyang nirereport ang page na nagpakalat ng fake news.

Minsan nang na-link si Barbie kay Richard Gutierrez kung saan chinismis ni Ogie Diaz na exclusively dating ang dalawa.

BASAHIN: