Fake news, as usual! Romualdez, walang kinalaman sa People’s Initiative para sa Cha-Cha—House official

Iginiit ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe na walang kinalaman si Speaker Martin Romualdez sa pagsulong sa People’s Initiative (PI) para amyendahan ang Saligang Batas.

Iginiit ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe na walang kinalaman si Speaker Martin Romualdez sa pagsulong sa People’s Initiative (PI) para amyendahan ang Saligang Batas.

Sa katunayan, tinawag niyang “baseless speculations” ang mga alegasyon kay Romualdez sa muling pagbubukas ng Kamara matapos ang holiday break nito.

Kaugnay niyan, matatandaang isinumite na ng Senado ang Resolution of Both Houses (RBH) No.6 na layong magkaroon ng Constituent Assembly (Con-Ass) para ma-amyendahan ang konstitusyon.

“We hope that the Senate can approve this soon so that we can end all these baseless speculations,” ani Dalipe.

Bago pa isulong sa Senado ang RBH No.6 ay umarangkada na sa buong bansa ang pangangalap ng mga pirma para sa PI, at iniuugnay ito ng iba kay Romualdez.

“The Speaker has already thanked the Senate for finally taking action on our push to amend certain economic provisions of the Constitution,” sabi pa ni Dalipe. “The House has been pushing this since 1987 and this has been an advocacy of the Speaker since he became a congressman and now as a Speaker.”