Fake news! AFP itinangging tinutukan ng baril CCG

Pawang kasinungalingan ang inilabas na news report ng state-run China Global Television Network (CTGN) nitong Linggo na tinutukan daw ng baril ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Chinese Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal.

Ito ang pinunto ng AFP at sinabing naka-istasyon at naka-“on guard” lamang ang mga sundalo nila sa BRP Sierra Madre dahil masyadong lumapit ang chinese vessels sa nasabing Philippine navy ship.

“Foreign vessels that venture dangerously close to our military vessel and in violation of safe distance protocols necessitate heightened vigilance and alertness from our personnel,” saad ng AFP.

“Hence, our troops were seen onguard because of the CCGs provocative presence near BRP Sierra Madre,” dagdag nito.

Ang AFP ang sandatahang lakas ng Pilipinas na may mandatong protektahan ang bansa mula sa gulo at karahasan, at panatilihin ang kaayusan sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Matatandaang kinumpiska ng CCG nitong nagdaang buwan ang mga suplay at pagkain ng mga sundalong naka-istasyon sa BRP Sierra Madre.