Face-to-face na klase sa Manila suspendido hanggang Abril 26

Suspendido hanggang Abril 26 ang face-to-face na klase sa Manila dahil sa tindi ng init na nararanasan sa Pilipinas na dulot ng El Niño.

Suspendido hanggang Abril 26 ang face-to-face na klase sa Manila dahil sa tindi ng init na nararanasan sa Pilipinas na dulot ng El Niño.

Ayon sa Manila Public Information Office, ang desisyon ay binaba matapos maiulat ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang 44 degree Celcius na danger heat index level.

Dahil dito, pinayuhan ang mga paaralan na mag-shift sa asynchronous class hanggang Biyernes.

Samantala, sinabi ng MDRRMO na maaaring makaranas ang mga mag-aaral ng heat cramps at heat exhaustion kapag nabilad ang mga ito sa araw.

“Sa ganitong condition, posibleng makaranas ng heat cramps, at heat exhaustion ang taong nakabilad sa initan. Para ito ay maiwasan ay ugaliing uminom ng maraming tubig. Kung hindi maiiwasang mabilad sa araw ay ugaliin namang magpahinga at sumilong kada 30 minutes upang mabigyan ng oras ang katawan na bumaba ang temperatura,” saad ng MDRRMO.