Face-to-face classes sa buong bansa suspendido sa Abril 8

Nagdesisyon ang Deparment of Education (DepEd) na kanselahin ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa Lunes, Abril 8.

Nagdesisyon ang Deparment of Education (DepEd) na kanselahin ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa Lunes, Abril 8.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng kagawaran na asynchronous o distance learning na muna ang ipapatupad sa nabanggit na araw.

“In order to allow learners to complete pending assignments, projects and other requirements, all public schools nationwide shall implement asynchronous classes or distance learning on Monday,” pahayag ng ahensya.

Bukod dito, ang mga guro at mga non-teaching personnel ng mga pampublikong paaralan ay hindi na required na pumunta sa mga paaralan.

Samantala, ang mga pribadong paaralan ay hindi sakop ng naturang order. Gayunman, maaari pa rin umano nilang ipatupad ito.