Face-to-face class suspendido ng 2 araw

Dahil pa rin sa matinding init ng panahon ay nagdesisyon ang Department of Education (DepEd) na suspendihin ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa mula Abril 29 hanggang 30.

Ang desisyon ng DepEd ay kasunod ng anunsyo ng PAGASA na papalo sa danger level ang heat index ng 30 lugar sa bansa sa Abril 29. Bukod pa rito, nag-anunsyo rin ng tigil-pasada ang ilang transport group mula Abril 29 hanggang Mayo 1.

Gayunman, tuloy pa rin ang klase sa mga nabanggit na araw, ngunit magiging asynchronous lamang ang mga ito.

Samantala, ang mga aktibidad na inorganisa ng mga Regional at Schools Division Office gaya ng RegionaL Athletic Meet ay itutuloy pa rin sa mga naturang araw.

Hindi naman sakop ng abiso ang mga pribadong paaralan ngunit papayagan sila ng DepEd na i-implementa ito.