‘Extremely disturbing’: Kamara, kinondena ang pagsabog sa MSU-Marawi; Hustisya para sa mga biktima, dapat trabahuhin

Binigyang-diin rin ng House Resolution (HR) No. 1504 ang agaran at mabusising imbestigasyon sa pagsabog, kabilang ang mabilis na pagtugis sa mga may kinalaman rito.

Pinagtibay ng House of Representatives nitong Miyerkules, Disyembre 6, ang isang resolusyon na kumukondena sa pagsabog sa Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi habang may mga nagsisimba.

Binigyang-diin rin ng House Resolution (HR) No. 1504 ang agaran at mabusising imbestigasyon sa pagsabog, kabilang ang mabilis na pagtugis sa mga may kinalaman rito.

BASAHIN RIN: 3 patay, higit sa 40 sugatan sa pagsabog sa Mindanao State University-Marawi City

“The House of Representatives condemns this act of violence perpetrated against innocent students and undertaken in a place of learning. I condole with the families of those who died and sympathize with those injured in the blast,” saad ni House Speaker Martin Romualdez, na isa sa mga nag-akda ng naturang resolusyon, kasama sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Jr. at iba pa.

Inilarawan rin ng resolusyon na “extremely disturbing” at “appalling” ang pagsabog, na maaaring makaapekto sa pagtahak ng pangmatagalang kapayapaan.

BASAHIN RIN: Mananagot sila sa batas! PBBM, kinondena ang pagsabog sa Mindanao State University-Marawi City

“There is an urgent need for a thorough investigation of this incident by the Philippine National Police, the Armed Forces of the Philippines, the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, and all government agencies concerned, to determine the perpetrators of these senseless and horrific killings,” sabi pa ng resolusyon.

Dagdag pa rito, iginiit ng resolusyon na hindi pababayaan ng pamahalaan na manaig ang ganitong mga “acts of lawlessness, violence, and terroristic activities.”