‘Extreme danger’: Heat index posibleng pumalo sa 57°C

Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang heat index sa bansa na posibleng umabot sa 'extreme danger' level.

Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang heat index sa bansa na posibleng umabot sa ‘extreme danger’ level.

Ayon sa weather bureau, posibleng maabot ang 57 degrees Celsius sa bansasa mga susunod na araw.

Ito’y matapos na magkaroon na ng 53 degrees Celsius noong weekend sa Iba, Zambales.

Ang 57°C na heat index ay huling naitala noon pang 2020 sa San Jose, Occidental Mindoro.

Samantala, sa Metro Manila ay nakikita ng PAGASA na posibleng umabot ang heat index sa 48 degrees Celsius.

Ang pinakamataas na heat index na naitala sa Pilipinas ay ngayong taon ay noong April 27 sa 45 degrees Celsius.