Extradition ni Quiboloy naka-tengga pa rin

Iniulat ng Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes na hindi pa sila nakakatanggap ng extradition request mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng patong-patong na kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa Amerika.

“There is no extradition request received yet by the DOJ from the DFA. It’s difficult, however, to speak on hypothetical situations. The government’s goal is to attain justice in whatever form and through the best forum,” pahayag ni DOJ spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano.

“The decision to resolve came as a result of almost a year of verifying the evidence on record as well as the identity of the alleged victim,” aniya pa.

Sa batas ng US, ang mga husgado ay naglalabas ng warrant habang naka-selyo ito upang hindi pa maisapubliko ang mga detalye sa kaso.

Ngunit nitong Huwebes, ipinag-utos na ni Judge Terry Hatter Jr. ang pag-aalis ng selyo sa arrest warrant laban kay Quiboloy. Ang naturang desisyon ay isang hakbang papalapit sa extradition ni Quiboloy.

Ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay wanted sa Amerika sa mga kasong sex trafficking by force, fraud, coercion, sex trafficking of children, conspiracy, at cash smuggling.