‘Exemplary work’ ‘yan: Customs, pinuri ni Romualdez sa pagsakote ng bigating smuggler ng sibuyas

Binigyan-puri rin ni Speaker Martin Romualdez ang iba pang kawani ng gobyerno na katuwang ng Bureau of Customs sa paghabol nito sa mga smugglers.

Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez ang Bureau of Customs (BOC) sa paghuli nito sa isang malakihang smuggler ng sibuyas.

Kinilala ang naturang smuggler na si Jayson de Roxas Taculog, na nasakote ng mga awtoridad sa Batangas kamakailan lang.

“The arrest of Taculog is a significant milestone, but we will not stop here. The House remains steadfast in its duty to protect our nation’s food security and the interests of our farmers and consumers,” sabi ni Romualdez sa isang pahayag nitong Linggo, Nobyembre 19.

BASAHIN RIN: Sampol pa lang ‘yan: Big-time smuggler ng sibuyas, arestado sa Batangas—DA chief Laurel

Dagdag pa ng Speaker, ang laban ng pamahalaan kontra sa mga smuggler kagaya ni Taculog ay makatutulong sa food security ng bansa.

“Through these concerted efforts, we are witnessing tangible improvements in the agricultural sector. We stand firm in our duty to assist our citizens and ensure the resilience of our nation’s food security,” aniya.

Kaugnay niyan, binigyan-puri rin ni Romualdez ang iba pang kawani ng gobyerno na katuwang ng BOC sa paghabol nito sa mga smugglers.

Kabilang diyan ang kapulisan at mga local government units.