Excited sa BINI! Concert sa Luneta nagmistulang translacion

Hindi napigilan ng ilang manonood sa MusiKalayaan sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, Manila na tumuntong sa mga poste at barikada ng nasabing concert para lamang masilayan ang nation's girl group BINI.

Hindi napigilan ng ilang manonood sa MusiKalayaan sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, Manila na tumuntong sa mga poste at barikada ng nasabing concert para lamang masilayan ang nation’s girl group BINI.

Kaya lang dahil dito’y pinatigil ng organizer ang performance ng BINI dahil sa mas dumaraming at gumugulong mga tao.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang nasabing concert ng BINI at may iilan pa ngang tinawag itong “”translacion.”

“Ginawa nilang translacion eh, may nag hahagis ng towel sa mga BINI,” saad ng isang netizen.

Komento ng isa pa: “Nang dahil sa BINI, madami umuwi nang luhaan!”

“Nang dahil sa BINI, mga tao sa Quirino Grandstand natutong mag OCR (Obstacle Course Race),” sabi pa sa post ng isang photographer sa MusiKalayaan.

Nagpasalamat naman ang BINI sa kanilang Facebook page sa kanilang mga fans at taga-suporta, at humingi ng paumanhain sa mga nabitin ng kanilang concert. Anila, safety first muna.