Ex-VP Robredo bukas sa pagtakbo sa 2025

Pinagiisipan na umano ni dating bise presidente Leni Robredo ang posibilidad na tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Pinagiisipan na umano ni dating bise presidente Leni Robredo ang posibilidad na tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, ang pag-anunsyo ni dating Sen. Leila de Lima na may tatlo nang pambato ang oposisyon sa 2025 ay ikokonsidera ni Robredo sa kanyang desisyon.

“She’s definitely thinking about it, and definitely ‘yung mga pahayag ng mga kaalyado tulad ni Sen. De Lima magiging konsiderasyon niya doon sa kanyang magiging desisyon for 2025,” wika ni Gutierrez sa panayam ng News5.

Sa forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), ibinuking ni de Lima na sina dating senador Kiko Pangilinan, Bam Aquino at Atty. Chel Diokno ay muling tatakbo sa 2025 sa ilalim ng Liberal Party.

Si Pangilinan ang nagsilbing running mate ni Robredo noong 2022 elections ngunit sila’y nabigo sa UniTeam tandem ng ngayong pangulo at pangalawang pangulo na sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.