Ex-sexy star Janice Jurado, umamin na naging ‘trophy girlfriend’ ni FVR; giniit na walang ibang nangyari sa kanila ni ‘Steady Eddie’

Nagulantang marahil ang viewers sa interview ng dating sexy aktres na si Janice Jurado ng aminin nitong na-link siya sa ilang politiko, at isa umano rito ang dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Nagulantang marahil ang viewers sa interview ng dating sexy aktres na si Janice Jurado ng aminin nitong na-link siya sa ilang politiko, at isa umano rito ang dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Naitanong ni Julius Babao, na nakapanayam si Janice para sa Youtube channel niya, kung mayroon bang nakarelasyon ang dating sexy aktres, na huling gumanap sa Kapamilya serye na “FPJ’s Batang Quiapo.”

“Meron politiko. Patay na,” ani Janice. “Presidente eh, dating presidente.”

Ngunit giit niya na nagsilbi lamang siyang “trophy girlfriend,” kung saan pinapatawag siya kapag may mga event na pupuntahan ang yumaong dating pangulo.

“Lahat ng mga parties, lahat ng mga okasyon, kasi pagandahan ng girlfriend, ‘yun lang ‘yung part ko don. Companionship lang,” paliwanag ni Janice.

“Para lang makita na kasama niya ako,” patuloy pang ikinuwento niya.

Punto ni Janice, walang namagitan sa kanila ng pangulo, na kilala sa palayaw na Steady Eddie dahil sa kanyang kalmadong kilos sa kabila ng mga pangyayari sa kanyang paligid noong 1986 Edsa Revolution.

“Wala, wala ‘yung dadalhin ka sa kuwarto,” aniya.

Kwento ni Janice, una niyang nakilala si FVR noong chief of staff ito ng Hukbong Sandatahan. Nagpatuloy ang kanilang pagkikita kalaunan, hanggang maging ika-12 na pangulo ng Pilipinas si FVR.

Ani Janice, alam ng maybahay ni FVR na si dating Unang Ginang Amelita “Ming” Ramos ang ugnayan niya kay FVR, at maayos naman ang pakikitungo ni Mrs Ramos sa kanya.

Paliwanag pa ng dating sexy star, mahalaga sa kanya na may matatakbuhan sa gobyerno kapag nakaranas siya ng panggigipit.

“Ako naman, ang aking punto naman doon kaya ko talaga siyang kinaibigan, proteksyon sa’kin. Kailangan ko ‘yung mataas na tao sa gobyerno para worse comes to worst, may mambastos sa akin… meron akong malalapitan,” ani Janice.