Ex-President Duterte ipinamigay Ayungin sa China – Carpio

Ibinigay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang China ang pag-aari ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa ilalim ng kasunduang "gentlemen’s agreement," ayon sa pahayag ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio.

Ibinigay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang China ang pag-aari ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa ilalim ng kasunduang “gentlemen’s agreement,” ayon sa pahayag ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio.

Ang kasunduang ito ay nagpapahintulot sa Pilipinas na patuloy na mangalaga at mag-ayos ng BRP Sierra Madre.

Dahil dito, sinabi ni Carpio na ang nasabing kasunduang pabor sa China ay labag sa hatol ng Arbitral Tribunal noong Hulyo 12, 2016, kung saan kinikilala ang Ayungin Shoal bilang bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ayon pa sa dating Supreme Court Justice, kasama sa kasunduan ang pagpayag umano ng dating pangulo na tanging pagkain at tubig lamang ang maaaring dalhin sa BRP Sierra Madre at bawal ang kagamitan na mag-aayos dito.

“President Duterte knew that without repairs, the BRP Sierra Madre would soon collapse and, thus, end our presence in Ayungin Shoal,” pahayag ni Carpio.

“Yet Duterte agreed, in a concession to China, that the Philippines could only bring food and water to BRP Sierra Madre and would not bring materials to repair the Sierra Madre,” saad nito.

“Duterte’s ‘gentlemen’s agreement’ was lopsided in favor of China… That “gentlemen’s agreement” was a disguised surrender of our EEZ rights over Ayungin Shoal as it gave China veto power over our exclusive right to erect structures on Ayungin Shoal,” dagdag pa ni Carpio.