‘Ex-Pres Du30, VP Sara, nakatanggap ng mga baril mula kay Quiboloy’

Tumanggap umano ng iba’t-ibang uri baril si dating Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Vice President Sara Duterte mula kay Pastor Apollo Quiboloy.

Tumanggap umano ng iba’t-ibang uri baril si dating Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Vice President Sara Duterte mula kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang rebelasyon ng isang alyas “Rene”, na tumestigo laban kay Quiboloy sa Senate hearing ukol sa mga reklamong sexual abuse at iba pang complaint laban sa kanya.

Pisikal na umattend si Rene sa Senado nang nakasumbrero, shades, at face mask upang itago ang kanyang pagkakakilanlan.

Ayon kay Rene, na isa umanong landscaper sa Glory Mountain sa Davao na kilalang pagmamay-ari ni Quiboloy, personal niyang nakikita si Quiboloy na dumarating na may dalang mga bag na may lamang iba’t-ibang uri ng baril.

Ang mga naturang bag naman ay dala na palabas nina Duterte at anak nito.

“Kapag dumadating si Quiboloy sakay ng chopper, may dala po siya na malalaking bag na laman po ang iba-ibang uri ng baril at nilalatag po ito sa tent na katabi po ng mansyon niya,” sanaysay ni Rene.

Dagdag pa niya: “Minsan po pumupunta doon din si former President Rodrigo Duterte at former Davao mayor Sara Duterte. Kapag umaalis na sila doon sa Glory Mountain, dala na po nila ‘yung mga bag na siya pong bag na nilalagyan po ng mga baril.”