Ex-PDEA agent nakorner sa buy-bust sa Camarines Norte

Nadakip ang isang dating tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa San Vicente, Camarines Norte.

Nadakip ang isang dating tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa San Vicente, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Bato’, na isa umanong PDEA agent mula 2008 hanggang 2018.

Naaresto si ‘Bato’ sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Man-Ogob, kung saan nakuhanan siya ng dalawang pakete na may lamang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P44,000.

Nakumpiska rin sa suspek ang P4,000 marked money.

Siniguro naman ni San Vicente Municipal Police Station chief PMAJ Alexander Brofas na papanatilihin nilang drug-cleared municipality ang kanilang bayan.