Ex-partner ni Pokwang pinauwi na ng US

Pina-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang ex-partner ni Pokwang na si Lee O'Brian.

Pina-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang ex-partner ni Pokwang na si Lee O’Brian.

Ayon sa press release ng BI, nitong nakaraang taon ay kinasuhan ni Pokwang ng deportation case si O’Brian dahil nagtatrabaho umano ito sa Pilipinas nang walang kaukulang dokumento.

Sinubukan pa umano ni O’Brian na maghain ng motion for reconsideration ngunit hindi ito inaprubahan ng BI.

Noong Abril 8 umano umalis ng bansa si O’Brian papuntang San Francisco, USA. Nakalista na rin siya ngayon sa blacklist ng BI.

Anim na taong nagsama sina Pokwang at O’Brian ay may isa silang anak na si Malia, na nasa kustodiya ng komedyante.