Ex-AKB Rep. Kito Co, namahagi ng school bags sa mag-aaral ng Manito, Albay

Namahagi ang dating kongresista ng school bags sa halos 500 mag-aaral sa Manito.

ALBAY- Halos 500 na estudyante sa bayan ng Manito ang nabigyan ng libreng school bags ni dating Ako Bicol Partylist Congressman Chritopher “Kito” Co.

Nasa 297 na mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 2 ang napili sa Manito Central School, habang nasa 200 naman na mag-aaral mula sa Buyo Elementary School.

Ayon kay Carmela Solinat, Officer-in-Charge ng Buyo Elementary School, malaking bagay na nabisita sila ng dating kongresista at nabigyan pa ng libreng bags.

Ayon naman kay Co, ito rin ang kanyang paraan upang maibahagi sa kanyang mga kababayan ang mga biyayang patuloy niyang natatanggap.

Kaniya ring siniguro, na nasa pwesto man o wala, patuloy siyang tutulong sa kanyang kapwa.