Ex-4Ps beneficiary nag-top sa licensure exam

Pasok sa top 2 ng 2024 Criminologist Licensure Examination (CLE) ang dating beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa Imus, Cavite.

Nakapagtapos ang dating 4Ps beneficiary na si Angeline Ilagan ng kursong Bachelor of Science in Criminology sa Cavite State University.

Dahil dito, nagpaabot ng pabati ang DSWD para kay Angeline.

Sabi ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez: “We are proud of Angeline and we congratulate her for this achievement. She is the latest addition to the list of former 4Ps monitored children who have topped various board examinations.”

Si Angeline at ang kanyang kambal na si Angelica ay dating binabantayan ng DSWD mula sa kanilang programang 4Ps mula noong sila ay Grade 5.