Evacuation, Multi-purpose centers alay sa mga Bicolano!

Bukod sa pagtatayo ng bagong modernong Bicol Regional Hospital, naglaan din ang pamahalaan ng mga evacuation at multi-purpose centers sa buong Albay para sa kaligtasan ng mga residente tuwing may sakuna.

Bukod sa pagtatayo ng bagong modernong Bicol Regional Hospital, naglaan din ang pamahalaan ng mga evacuation at multi-purpose centers sa buong Albay para sa kaligtasan ng mga residente tuwing may sakuna.

Ayon kay Congressman Elizaldy Co, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Bicol Region, lalo na ang lalawigan ng Albay, ay madalas na dinadaanan ng matitinding bagyo at aktibong bulkan tulad ng Mayon.

“Mahalaga ang magkaron ng evacuation center sa bawat sulok ng Albay na magsisilbing pansamantaang tirahan sa panahon ng sakuna” pagpapaalala ni Co.

Idagdag pa ni Co na magkakaroon din sila ng mga multi-purpose centers na maaaring gamitin ng mga residente kapag nawasak ang kanilang mga tahanan.

Kasabay ng pagtatatag ng mga evacuation at multi-purpose centers, magkakaroon din ng disaster risk reduction and management training para sa mga residente upang matulungan sila na makahanap ng kaligtasan tuwing may sakuna.

“Layunin ng mga proyektong ito na masiguro ang kaligtasan at kagalingan ng mga Bicolano, lalo na sa panahon ng matinding pag-aalburoto ng Bulkang Mayon at pagdating ng malakas na bagyo,” ayon pa kay Co.