Estudyante, naiyak sa natanggap na ‘Manny bouquet’

Pera na, naging kamao pa! 'Yan ang nangyari sa isang estudyante matapos siyang makatanggap ng kakaibang 'Manny bouquet' sa kanyang moving up ceremony.

Pera na, naging kamao pa!

‘Yan ang nangyari sa isang estudyante matapos siyang makatanggap ng kakaibang ‘Manny bouquet’ sa kanyang moving up ceremony.

Viral sa social media ang Facebook post ni Michelle Kee, kung saan humiling siya sa kanyang nanay ng money bouquet.

Imbes na bouquet ng pera ang kanyang matanggap, puro larawan ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao ang nakalagay sa kanyang bouquet!

Naaliw naman ang mga netizen sa kakaibang pakulo ng ina ng netizen.

Umabot na sa 8,000 reactions at 7,300 shares ang naturang post ni Michelle.