Estudyante binoga ng tanod sa Masbate, patay

Patay ang isang 20-anyos na estudyante sa Masbate City matapos umano itong pagbabarilin ng isang barangay tanod dahil sa ingay.

Patay ang isang 20-anyos na estudyante sa Masbate City matapos umano itong pagbabarilin ng isang barangay tanod dahil sa ingay.

Ayon sa ulat, nakatambay lang ang biktima sa boarding house ng kanyang kaklase sa Barangay Espinosa nang dumaan ang tanod na nasa impluwensya ng alak.

Sakto namang maingay ang estudyante na ikinainis ng suspek. Naghintay lang umano ng tamang tsempo ang tanod kung saan pinasok niya ang boarding house at pinagbabaril ang biktima sa banyo.

“Nagkataon, Sir, nung nandun na sila sa loob [ng boarding house], bumaba itong biktima para mag-CR o doon sa comfort room, kaya lang nandoon pala itong suspek at inabangan pala siya kaya sinundan siya doon sa comfort room at doon na siya binaril,” pahayag ni Lt. Col. Ariel Neri, hepe ng Masbate City police.

Patay agad ang biktima sa dami ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Naaresto naman ang tanod na nahaharap sa kasong murder.