‘Essence of Filipino culture’: Halaga ng pamilya, pananampalataya, tampok sa paggunita ng Undas–PBBM

Sa kaniyang paggunita ng Undas, ipinaalala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino ang 'essence' ng kulturang Pilipino: ang taimtim na pananampalataya at pagmamahal sa pamilya.

Kaisa ng milyon-milyong Pilipino si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paggunita ng Undas.

Nitong Miyerkules, Nobyembre 1, pinaalalahanan ng pangulo ang mga Pilipino na alalahanin ang katapangan ng mga santo sa paggunita ng All Saints’ Day at ang alaala na rin ng mga namatay.

“As we celebrate the saints’ staunch devotion and the legacies of those who have gone before us, let us reflect on our purpose and our unceasing need for God’s guidance,” sabi ni Marcos sa isang pahayag.

“At the same time, let us remember the courage that our saints and dearly departed have shown amidst their plight so that we may be empowered to be bold in living with and for Christ no matter the difficulties that we face in this world,” ayon sa Pangulo.

Dagdag pa ni Marcos, maging gabay nawa ang mga “examples of faith” ng mga santo upang mapag-isa ang mga Pilipino tungo sa mabuting pamumuhay. Kaugnay nito, binigyan-diin rin niya na ang taunang paggunita ng Undas ay “essence of the Filipino culture” kung saan binibigyang-halaga ng mga Pilipino ang pamilya at pananampalataya.

“This time comes as a refreshing gift, for we can also enjoy reuniting with our loved ones while receiving much needed nourishment for out spiritual lives,” aniya.

Ang Nobyembre 1 (All Saints’ Day) at Nobyembre 2 (All Souls’ Day) ay special nonworking holidays upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga Pilipino para gunitain ito.