Escudero: Walang masama sa Bagong Pilipinas hymn, pledge

Walang nakikitang mali si Senate President Francis 'Chiz' Escudero sa pagsama ng Bagong Pilipinas hymn at pledge sa flag ceremony ng mga government offices.

Walang nakikitang mali si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa pagsama ng Bagong Pilipinas hymn at pledge sa flag ceremony ng mga government offices.

Ayon kay Escudero, maayos naman ang nilalaman ng bagong awitin at panunumpa sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para awitin at sambitin ng mga government employees.

“Pero sa ganang akin kung ako tatanungin, wala namang masamang awitin o sambitin ang mga katagang dapat mayroon tayong pagasa , dapat magtulungan tayo, dapat ambisyunin nating umangat ang ating bansa, dapat magtulungan tayo. Wala naman akong nakikitang masama dun,” saad ni Escudero.

“At hindi lamang ito ika nga pagpapaalala sa ating mga sarili, pagpapaaalala din ito sa mga opisyal ng gobyerno na ito ang mga bagay-bagay na pwedeng singilin sa amin ng ating mga kababayan na kakanta o aawit nito lalong-lalo na sa mga paaralan,” aniya pa.

Pero paglilinaw ni Escudero, hindi sakop ang Senado sa panibagong direktiba ng Pangulo.

Sa naging flag raising ceremony sa Senate building, hindi inawit at binigkas ang Bagong Pilipinas hymn at pledge dahil labas ito sa sinusunod ng kanilang hanay.

“Independent ang desisyon nila kung gagamitin nila yan dahil ang sinusunod namin ay yung Flag and Heraldic Code na nagsasabi kung ano yung kakantahin kada flag raising ceremony,”wika ni Escudero.