Escudero: ‘Unli hearing’ kay Alice Guo, pwede gawin ni Hontiveros

Hindi pipigilan ni Senate President Francis 'Chiz' Escudero ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa katauhan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Hindi pipigilan ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa katauhan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Nilinaw ito ni Escudero matapos niyang sabihin na ang mga nag-aakusa kay Guo ang dapat magpatunay na hindi Pinoy ang alkalde.

Aniya, kung gugustuhin ng Senate’s Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na hawak ni Senadora Risa Hontiveros ay magsagawa ito ng ‘unli hearing’ hangga’t hindi napipiga ang impormasyon kay Guo.

“Puwede siyang mag-hearing nang unli hanggang gusto niyang mag-hearing o hanggang matapos yung nais niyang makuhang impormasyon at kaalaman para maghain ng panukalang batas na magagamit ng ating mga kababayan at bansa,” saad ni Escudero.

Kinukuwestiyon si Guo sa Senado dahil sa umano’y puno ng butas nitong kwento tungkol sa kanyang pagkatao.

Inaalam din sa Senado ang posible umanong koneksyon nito sa POGO sa Bamban, Tarlac.