Escudero umaming pasimuno ng pagtanggal kay Zubiri

Inamin ni Senate President Francis "Chiz" Escudero na siya ang nag-umpisa ng hakbang para palitan si Senator Juan Miguel "Migz" Zubiri bilang pinuno ng Senado.

Inamin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na siya ang nag-umpisa ng hakbang para palitan si Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri bilang pinuno ng Senado.

Ayon kay Escudero, noong Huwebes lang siya nakapagpasya na palitan na si Zubiri.

“Thursday lang ako nagtanong at nagpasya,” pahayag nito sa isang ambush interview.

“When I say, sinimulan kong makipag-usap dahil marami naman na at that time na may agam-agam,” dagdag pa nito.

Hindi naman nilinaw ni Escudero kung ano ang tinutukoy nito na mga agam-agam ng kanyang kasamahan.

Nitong Lunes lang, pinalitan ni Escudero si Zubiri bilang pangulo ng Senado, kung saan nakakuha siya ng suporta mula sa 14 na iba pang mga senador.

Kasama sa mga sumuporta ay sina Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Ronald dela Rosa, Jinggoy Estrada, Bong Go, Lito Lapid, Imee Marcos, Bong Revilla Jr., Francis Tolentino, Raffy Tulfo, Robin Padilla, Grace Poe, Cynthia Villar at Mark Villar.