Escudero umaming naospital dahil sa high blood

Isiniwalat ni Senador Chiz Escudero na totoo ang kumalat na balitang isinugod siya sa ospital dahil sa high blood pressure.

Isiniwalat ni Senador Chiz Escudero na totoo ang kumalat na balitang isinugod siya sa ospital dahil sa high blood pressure.

Sa panayam ng DWIZ nitong Sabado, inamin din ng senador na totoong in-airlift siya mula Sorsogon para madala sa isang pagamutan sa Metro Manila.

“Mataas ang presyon, daan daan,” wika ng mambabatas.

“Walang makuhang flight kaya nanghiram,” aniya.

Nitong unang linggo ng Abril ay kumalat ang balitang isinugod sa ospital si Escudero. Noong mga panahaon na yaon ay hindi pa tukoy ang dahilan ng kanyang pagkaka-ospital.

Samantala, tiwala naman si Escudero na hindi siya pabaya sa kanyang katawan.

“Ika nga ng mga doktor parang kidlat ito tumatama kahit kanino ang mataas na presyon at huwag kang magmalaki na kesyo nag-eehersisyo ka, kesyo healthy ka kesyo ganun, ganyan. Parang kidlat ika nga tumatama na lamang at hindi mo alam kung saan, paano, kelan at bakit,” dagdag pa niya.