Escudero saludo kay Zubiri: I will make you proud

Siniguro ng bagong luklok na Senate President na si Senador Francis Escudero na walang magbabangayan sa Senado dahil sa pagbabago ng liderato.

Siniguro ng bagong luklok na Senate President na si Senador Francis Escudero na walang magbabangayan sa Senado dahil sa pagbabago ng liderato.

Ayon kay Escudero, hindi niya titingnan ang ‘team’ ng bawat isang mambabatas sa kanyang panunungkulan bilang lider ng Senado.

“Walang my team, walang your team para sa akin. Walang SP Migz, wala ring Chiz para sa akin. Ang tingin ko sa bawat isa sa atin ay mga miyembro ng nag-iisang Senado,” saad ni Escudero.

Pinuri din ni Escudero si Senador Miguel Zubiri sa dalawang taong panunungkulan nito bilang Senate President.

Aniya, sana’y hindi siya iwan ni Zubiri sa panibagong posisyon na kanyang hahawakan bilang lider ng Senado.

“My hats off to you, Senate President Zubiri. I salute you and I hope I will make you proud. You especially among all our other colleagues and hopefully, you will not leave my side whenever I ask for guidance, whenever I ask for help and whenever I ask for your wisdom,” mensahe ni Escudero kay Zubiri.