Escudero: PBBM huli na nalaman balasahan sa Senado

Ayon kay Senate President Francis "Chiz" Escudero, nalaman lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkol sa pagbabago ng liderato sa Senado nang maupo na siya bilang Senate president.

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, nalaman lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkol sa pagbabago ng liderato sa Senado nang maupo na siya bilang Senate president.

Sa kanilang pag-uusap ni Marcos noong dinner ng mga senador sa Malacañang noong Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na narinig lang niya ang balita pagbalik niya sa Maynila mula sa kanyang mga event sa Dumaguete City at Bacolod City.

“He never knew about it because he was in Dumaguete in Bacolod and by the time he landed, he found out that there was already a change and it was finished. That’s what he told me,” ani Escudero sa mga reporters.

Nagkaroon ng mga hinala na may kinalaman ang Malacañang sa pagkakatanggal kay dating Senate President Juan Miguel Zubiri matapos bigyang-diin ng huli sa kanyang resignation speech ang pagiging independent ng Senado bilang isang institusyon.