Escudero itinangging sunud-sunuran ng Palasyo

Pinabulaanan ni Senate President Francis 'Chiz' Escudero ang alegasyon na siya ay iniluklok bilang pinuno ng Senado dahil sa pagiging sunud-sunuran ng Palasyo.

Pinabulaanan ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero ang alegasyon na siya ay iniluklok bilang pinuno ng Senado dahil sa pagiging sunud-sunuran ng Palasyo.

Iginiit ni Escudero na hindi totoo ang paratang na ito at sinabi na wala pang kahit sino ang nagsabing si Senator Zubiri ay isang alipores ng Palasyo.

“It is unfair because no one has ever accused Senator Zubiri of being a stooge of the Palace, that he was chosen by the Palace to be our Senate President. We always stood up and said we chose him as Senate president,” pahayag ni Escudero.

Pinuna si Escudero kaugnay ng alegasyon ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri na may mga labas na puwersa na sangkot sa pagbabago sa pamumuno ng Senado at si Escudero lamang ang nais ng Palasyo na pumalit kay Zubiri.

Noong Mayo 20, nang ihayag ni Zubiri ang kanyang pagbibitiw sa Senado, tinukoy niya ang kanyang hindi pagiging ‘sumusunod sa mga utos ng mga nakatataas’ bilang isa sa mga dahilan.

Bagamat naglabas ng ganitong pahayag si Zubiri, sinabi ni Escudero na hindi siya interesadong maging Senate chief, subalit dahil sa pag-aalala sa direksyon ng liderato ni Zubiri, lalo na sa isyu ng Charter Change, nagdesisyon siyang sumabak sa liderato.

Sa huli, noong Mayo 16, iniluklok si Escudero bilang bagong Senate President matapos na suportahan siya ng 15 senador.