Erwin Tulfo, Tito Sotto umabante sa senatorial survey

Umangat sa huling senatorial survey ng Pulse Asia sina ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo at dating senador Tito Sotto.

Umangat sa huling senatorial survey ng Pulse Asia sina ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo at dating senador Tito Sotto.

Batay sa survey na isinagawa mula Marso 6 hanggang 10, nanguna si Tulfo sa ranking na 1-2. Sinundan naman siya nina Sotto, ex-president Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, at Senadora Pia Cayetano.

Swak naman sa ranggong 5 hanggang 13 si dating senador Manny Pacquiao, Senador Ronald “Bato” dela Rosa, Senadora Imee Marcos, at dating Manila mayor na si Isko Moreno.

Nakuha naman ni Ben Tulfo ang ika-6 hanggang ika-15 na pwesto, samantalang ika-6 hanggang ika-16 na pwesto ang nakopo nina Senador Bong Revilla at dating senador Ping Lacson.

Pasok din sa survey sina Senador Lito Lapid, Willie Revillame, at Doc Willie Ong, na nasungkit ang ika-10 hanggang ika-17 na pwesto.

Ang susunod na senatorial elections at gaganapin sa susunod na taon.