Erwin Tulfo sinusulong libreng ultrasound, mammogram sa bawat kakabaihan

Nilalakad ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na gawing libre ang mammogram at ultrasound para sa mga kababaihan.

Nilalakad ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na gawing libre ang mammogram at ultrasound para sa mga kababaihan.

Hinayag ito ni Tulfo ngayong National Women’s Month, kung saan giniit niya na dapat kasama sa coverage ng PhilHealth ang libreng medical test para sa mga babae.

“’Yung basic diagnostics, x-rays, ultrasound, ECG and particularly mammogram should be free courtesy of PhilHealth lalo na mga kababaihan particularly women’s month ngayon,” ayon kay Tulfo.

“Ito ang napagkasunduan namin ni Rep. Yedda Romualdez sa aming pag-uusap na talagang dapat ay may libreng mga medical examinations ang mga kababaihang miyembro ng PhilHealth,” aniya pa.

Siniguro naman ni PhilHealth NCR Vice President Bernadette Lico na kanilang susundin ang suhestiyon ni Tulfo.

“Your recommendation for ultrasound and mammogram will be included later on kapag nagkaroon na po tayo ng comprehensive allocation benefit package,” lahad ni Lico.

Paliwanag ni Lico, sa ngayon ay ang libre lang na mammogram, ultrasound at iba pang medical test ay para sa mga PhilHealth member na cancer patient.

“Wag naman po na librehin lang natin yung may cancer na dapat even before na magkasakit po ng cancer pwede po ba sagutin ng PhilHealth,” tugon ni Tulfo.