Erwin Tulfo paiimbestigahan pambubugbog sa baguhang taekwondo player

Nakatakdang paimbestigahan ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang naganap na pambubugbog ng isang blackbelter na lalaki sa babaeng taekwondo newbie para sa pagsasanay, ayon sa inihaing House Resolution No. 1670.

Nakatakdang paimbestigahan ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang naganap na pambubugbog ng isang blackbelter na lalaki sa babaeng taekwondo newbie para sa pagsasanay, ayon sa inihaing House Resolution No. 1670.

Kasama ni Tulfo na maghain ng resolusyon sa ay ang mga miyembro ng ACT-CIS party list na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Go Yap, at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendell Tulfo.

Kamakailan kasi ay naiulat ang pagpayag ng isang coach na makipag-sparring ang biktimang babae laban sa black belter, at dahil dito ay nagtamo ng pasa at sugat sa katawan ang biktima.

Ayon kay Tulfo, ipinag-utos ni Speaker Martin Romualdez ang imbestigasyon upang matukoy ang nagbabantay at tumitingin sa mga training sessions sa taekwondo at iba pang sports.

“The circumstances surrounding this incident raise serious concerns about the safety protocols, supervision, and regulations within the Taekwondo community, particularly regarding the appropriateness of match-ups between practitioners of different skill levels during training sessions,” ani Tulfo.

“Lalo na ngayon, maraming summer classes sa iba’t ibang klaseng sports, hindi lang sa taekwondo, pero maging sa basketball, swimming, football, tennis, at iba pa. Gustong malaman ni Speaker Romualdez, kung sino ang nagbabantay sa mga ito para masigurong ligtas ang mga nagte-training na karamihan ay mga menor de edad? Paano natin masisiguro ang kaligtasan nila?” dagdag pa nito.