Eroplano nina Zubiri papuntang Pag-Asa Island, kinulit ng China!

Hinamon ng China sa pamamagitan ng radyo ang sinasakyang pribadong eroplano nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Majority Leader Joel Villanueva, at Deputy Majority Leader JV Ejercito bago ito mag-landing sa Pag-asa Island.

Bukod pa riyan ay hinamon din ng China ang eroplano ng Philippine Air Force, na may sakay na grupo ng mga mamamahayag.

Bumisita kasi ang tatlong mambabatas sa Kalayaan Island Group para sa pasinayan ang bagong baraks sa loob ng Emilio Liwanag Naval Station at isang Super Rural Health Unit sa lugar.

Ayon kay Zubiri, nagbigay ng mensahe ang China sa kanila at sinabi na dapat silang umalis sa kanilang teritoryo.

“‘Yung pag-landing namin kanina meron nang mga verbal challenges and it’s so sad na nandito tayo sa loob ng ating bansa, teritoryo ng Pilipinas ito, tapos sinasabihan ka, umalis ka dito kasi ito ay teritoryo ng Tsina. Talagang nakakagulat, ano. Nakaka-alarma at nakakagalit,” pahayag ni Zubiri.

Samantala, ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., ang pagbigay ng verbal challenge ng China tuwing may eroplano sa paligid ng isla ay bahagi ng kanilang standard operating procedure.