Eraserheads naghahanda na sa ‘Huling El Bimbo World Tour 2024’

Kinumpirma ng OPM band na Eraserheads na magkakaroon ng Huling El Bimbo World Tour 2024 para sa buwan ng Hulyo.

Kinumpirma ng OPM band na Eraserheads na magkakaroon ng Huling El Bimbo World Tour 2024 para sa buwan ng Hulyo.

Magsisimulang magpasaya ang banda sa Hawaii Convention Center sa Honolulu sa Hulyo 6.

Sunod silang magpapasaya sa The Warfield sa San Francisco, California sa Hulyo 12; sa Peacock Theater sa Los Angeles, California sa Hulyo 13.

Darating din ang banda para mag-perform sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California sa Hulyo 19; at panghuli ay sa Great Canadian Casino Resort sa Toronto, Canada sa Hulyo 21.

Matatandaang noong 2022 ay nag-reunite ang banda sa SMDC Festival Grounds para sa isang one-night-only show na pinamagatang Huling El Bimbo, mula sa kanilang sikat na kanta.