Equality for all! PBBM, gumawa ng tanggapan para sa LGBTQIA+ community

Layon ng nasabing kumite na siguraduhing mapapatupad ang mga polisiya at programa ng pamahalaan na magsusulong sa pagkakapantay-pantay at tutugunan ang diskriminasyon laban sa LGBTQIA+ community.

Inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Sabado, Disyembre 23, ang Executive Order (EO) na magtatatag ng Special Committee on LGBTQIA+ Affairs na tutugon sa mga pangangailangan ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, and asexual (LGBTQIA+) community.

“The creation of a Special Committee on LGBTQIA+ Affairs under the Inter-Agency Committee aims to strengthen existing mechanisms to address the continued discrimination being experienced by the members of the LGBTQIA+ community, and to provide them an avenue to participate in policy formulation of the government despite the absence of an established body specifically dedicated to promote their rights and address their concerns,” paliwanag ng EO.

Sa ilalim ng EO 51 na pinirmahan ni Marcos nitong Biyernes, Disyembre 22, ang nasabing kumite ay pangangasiwaan ng Diversity and Inclusion Committee (DIC) na pangungunahan ng isang chairperson na may ranggong undersecretary kasama ng tatlong assistant secretary.

Pawang manggagaling sa LGBTQIA+ community ang mga itatalaga ng pangulo sa nasabing mga posisyon.

Layon ng nasabing kumite na siguraduhing mapapatupad ang mga polisiya at programa ng pamahalaan na magsusulong sa pagkakapantay-pantay at inclusion at tutugunan ang diskriminasyon, partikular na sa LGBTQIA+ community.