Epic fail? Wedding proposal maagang nabisto ng bride-to-be

Aliw ang video ng isang netizen kung saan pinasilip niya ang nakakalokang reaksyon ng kanyang boyfriend ng mag-propose ito.

Aliw ang video ng isang netizen kung saan pinasilip niya ang nakakalokang reaksyon ng kanyang boyfriend ng mag-propose ito.

Sa post ni Lusset Cunanan sa TikTok, makikitang nakaluhod ang kanyang nobyong si Jilo Perez para mag-propose.

Pero imbes na magulat, natatawa na lang si Lusset dahil alam na pala niyang magpo-propose ang kanyang boyfriend!

“What the hell, what the hell ka pa! Pakialamera ka! Alam kong alam mo to,” gigil na sambit ni Jilo.

“Hindi ko alam kung kailan,” natatawang tugon naman ni Lusset.

@lussetc Sorry be, kasalanan ko bang nilagay mo lang sa compartment yung ring box? 😭 HAHAHAHA (but seriously, the proposal may seem fail to others but it was very us. Goofy, random, full of love, & by the beach 🥹) after 7 years of bardagulan, we’re here! Love u @Jilolo ♬ original sound – Setsy


Umabot na sa lampas 5 million ang views ng naturang video, kung saan karamihan sa mga netizen ay naka-relate kay Lusset.

Heto ang ilan sa comment ng mga netizen:

“hahaha sa’kin di ko sinasadya makita sa bag nya ung teddy bear chocolate at flowers nung mismong valentine, hinintay ko ibigay.”

“Relate, he ordered me promise ring for my birthday on shopee. And nakita ko, so i cancelled! idk, pero mas prefer ko talaga pag bibigyan ako.”

“HAHAHA relate my partner is a seaman pag uwi niya accidentally nadukot Ko sa sling bag niya yung ring.”