Epektibo basta gamitin ng tama: Anak ng benepisyaryo ng 4Ps, Top 10 sa midwife board exam

Hindi hadlang ang kahirapan upang maatim ng isang tao ang mga pangarap nito sa buhay, at pinatunayan iyan ng isang anak ng dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Pinatunayan ng isang anak ng dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may mabuting dulot ang programa kung gagamitin ng tama.

Iyan ang ginawa ni Kim Kim Inde matapos makapasa sa licensure examination para sa midwife. Isa siya sa tinatayang 2,800 na pumasa sa 4,119 na kumuha ng naturang pagsusulit.

Bukod sa pagpasa, isa rin si Inde sa top 10 passers, sa kaniyang 90.60 rating na ikasiyam sa lahat ng mga pumasa.

“The success achieved by Kim Kim Inde is proof that the 4Ps, especially the aspect of the program that involves investment in the health care and education of children under 18 years old, contributes to improving the quality of life for our poor and marginalized fellow citizens,” ani DSWD Assistant Secretary Romel Lopez.

Si Inde, 22, ay isa sa limang anak nina Renecio and Nelita Inde, na parehong coconut farmer sa Palawan. Graduate siya ng School of Health and Sciences ng University of the Philippines sa Leyte.