Envoy: US, Japan, nais makausap si PBBM habang ginaganap ang ASEAN sa Jakarta

Nais makipagpulong ng Estados Unidos ang Japan sa Pilipinas para pag-usapan ang mga mahahalagang concern tulad ng West Philippine Sea, ayon kay Philippine Ambassador to the US Babes Romualdez

Humihiling ang Estados Unidos at Japan ng pulong sa Pilipinas habang ginaganap ang ASEAN Summit sa Jakarta, ayon kay Ambassador to the US Jose Manuel “Babes” Romualdez.

Ngunit, sinusubukan pa rin itong isingit sa schedule ng mga lider ng bansa dahil punong-puno ang mga engagements ng mga bansa, ayon kay Romualdez.

“The trilateral meeting was actually requested by both the United States and Japan for the Philippines to get together here in Jakarta. However, the schedules are a bit tight for, especially, I think for Japan and the United States,” sinabi ni Romualdez noong Martes ng gabi, Setyembre 5.

Makabuluhan ang inaasahang pulong sa mga lider ng Estados Unidos at Japan dahil nakakausap na ng mga kinatawan ng Pilipinas ang mga counterpart nila tungkol sa mga isyung importante tulad sa usapin ng West Philippine Sea.

““So, the President was very eager to have that meeting. However, as I said, it is still being worked out. The schedule is really very tight for both—not only for us, but also for the United States because of the very short stay of the Vice President,” paliwanag ni Romualdez.

Ayon pa sa ambassador, nakatakdang dumalo sa mga meeting si US Vice President Kamala Harris ng Miyerkules, Setyembre 6, ngunit aalis rin kaagad sa sumunod na araw.

“She’s only really staying for one. So we’re not sure that’s going to happen. However, they will see each other, of course, tomorrow and at the gala dinner. So hopefully something along those lines, or in that timeframe, they’ll be able to meet,” ayon kay Romualdez.

Nais rin talakayin ng Pangulo sa mga bansa ang patuloy na pamumuhunan ng mga negosyante nila sa Pilipinas.

“Obviously, the West Philippine Sea will most likely be part of the discussion, but mostly in cooperation and how Japan, the United States and the Philippines will work together, especially in the area of economic security, which is also very important for us,” ani Romualdez.

Maliban kay Harris, dadalo rin sa ASEAN Summit si Japanese Prime Minister Fumio Kishida.