Environmental case vs China malapit nang matapos!

Malapit nang matapos ang ang environmental case na balak isampa ng gobyerno laban sa China dahil sa pagkasira sa West Philippine Sea.

Malapit nang matapos ang ang environmental case na balak isampa ng gobyerno laban sa China dahil sa pagkasira sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), sa loob lamang ng isang linggo ay lalabas na ang isinampang kaso sa China.

“Confident naman po tayo na in a few weeks mabuo na yung ating complaint at yung mga attachments na ebidensya,” sinabi ni Justice spokesperson Atty. Mico Clavano sa Bagong Pilipinas Ngayon.

Matatandaang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines Western Command noong nakaraang taon na may malawakang pag-aani ng coral sa Rozul (Iroquois) Reef sa West Philippine Sea.

Dahil dito, inudyok ni Justice Secretary Jesus Remulla ang pamahalaan na magsampa ng kaso.

Samantala, hinimok ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang gobyerno na isama sa reklamo ang pinsala sa Escoda Shoal.