Enrollment sa public schools aarangkada sa Hulyo 3

Magsisimula na sa susunod na linggo, Hulyo 3, ang enrollment sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya, ayon sa Department of Education (DepEd).

Magsisimula na sa susunod na linggo, Hulyo 3, ang enrollment sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ito ay matapos lagdaan ni Education Undersecretary Nolasco Mempin ang DepEd Memorandum No. 32 series of 2024 o ang Enrollment guidelines para sa SY 2024-2025.

Saad sa memorandum ang gabay sa enrollment procedures at protocols para sa mga pampublikong paaralan ng elementary at highschool at ng iba’t ibang community learning centers (CLCs) sa bansa.

Isasagawa ang enrollment sa mga public schools simula Hulyo 3 hanggang 26.

Samantala, opisyal namang magsisimula ang SY 2024-2025 sa Hulyo 29.