Engineering student mula Bicol University, patay sa road accident

Nasawi ang isang 21-anyos na Geodetic Engineering student mula sa Bicol University nitong Martes, February 27.

Nasawi ang isang 21-anyos na Geodetic Engineering student mula sa Bicol University nitong Martes, February 27.

Nakaangkas si Ave Quintanilla sa motorsiklo ng kanyang pinsan habang binabagtas nila ang New Road sa Pawa-Tamaoyan sa Legazpi, Albay.

Doon biglang sumulpot ang isang tricycle na sinubukang mag-U-turn, dahilan para sumalpok ang biktima.

Sinubukang dalhin sa ospital si Ave at kanyang pinsan, ngunit kalaunan ay nasawi ang una.

Samantala, nakadetine naman ang 19-anyos na tricycle driver.

Nagluluksa ang Bicol University College of Engineering sa pagpanaw ni Ave.