Endangered green sea turtle, pinakawalan sa Sorsogon

Pinakawalan sa dagat ng Gubat, Sorsogon ang isang endangered green sea turtle na kilala rin sa tawag na 'talisayon'.

Pinakawalan sa dagat ng Gubat, Sorsogon ang isang endangered green sea turtle na kilala rin sa tawag na ‘talisayon’.

Ang pagbabalik sa dagat ng babaeng talisayon ay pinangunahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Sorsogon at Gubat Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Batay sa listahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang naturang species ng pawikan ay kinokonsiderang ‘critically endangered’.

Kaya naman nanawagan sa publiko ang DENR Bicol na pinangungunahan ni Regional Executive Director Francisco Milla Jr. na i-report ang mga makikitang endangered species.